[Verse 1]
Ika'y bago pa lang at 'di mo alam
Siya'y mapaghanap ng pagkalinga't pagmamahal
Mapanibughuin, labis na matampuhin
Ngunit kung siya'y sadyang mahal mo, sana'y suyuin
[Verse 2]
Kung nasa labas siya, huwag mag-alala
Sapagkat hindi mo mabibilang ang kaibigan niya
At sa pagdating niya, bagkus ipaghain pa
At pagsanayan mo ang pag-uwi niya ng umaga na
[Chorus]
Kahit masakit ito sa 'kin, kapwa siya mahal sa 'tin
Kaya't sana'y marapatin ang bigyan ka ng paalaala
Langit kung siya'y lumigaya, sa piling man ng iba
[Verse 3]
Kung nangyari man ika'y kanyang iwan
At may iba nang bago niyang nakakahumalingan
Ikaw ma'y naapi, sa 'kin ka maghiganti
'Di ko matitiis siyang masaktan
Mahal ko siyang labis kasi