[Verse 1]
Ang puso kong namamanglaw
Inakay mo sa liwanag
Binigyan mong kulay ang buhay ko
Sinabi mong kailangan mo ako
Inibig mo ako
[Verse 2]
Ang luha ko't mga pagdaramdam
Sa piling mo'y agad nalimutan
Inibig mo ang kapintasan ko
Hindi mo pinansin ang wika ng mundo
Pag-ibig mo'y tanging ako
[Bridge]
Kay hirap unawain dilim ng magdamag
Napawi nang dahil sa 'yo
At ang puso kong dati'y sawi, nagmamahal
Dahil sa 'yo'y ligaya ang hinaharap
[Verse 1]
Ang puso kong namamanglaw
Inakay mo sa liwanag
Binigyan mong kulay ang buhay ko
Sinabi mong kailangan mo ako
Inibig mo ako
[Verse 2]
Ang luha ko't mga pagdaramdam
Sa piling mo'y agad nalimutan
Inibig mo ang kapintasan ko
Hindi mo pinansin ang wika ng mundo
Pag-ibig mo'y tanging ako
[Outro]
Pag-ibig mo'y tanging ako