[Verse 1]
Pag-ibig na aking naranasan
Sa buhay, 'di na malilimutan
Pag-ibig na tanging kayamanan
Aking pag-iingatan nang higit sa aking buhay
[Verse 2]
Ligaya ang dulot ng pag-ibig
Kung minsan, ang dulot ay pasakit
Subalit, magdusa man ay langit
Hiwaga ng pag-ibig, 'di malaman, 'di maisip
[Chorus]
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y tanging yaman
At higit pa sa ginto aking pag-iingatan
Kahit na lumimot ka man, aking mahal
Limutin ka'y 'di magawa, ako ang nasasaktan
[Verse 3]
Ang init at tamis ng 'yong labi
Sa isip, kailan ma'y hindi mapawi
Sumpa mo, kapag iyong binawi
Tuluyang maglalaho ang buhay ko sa pagsuyo
[Chorus]
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y tanging yaman
At higit pa sa ginto aking pag-iingatan
Kahit na lumimot ka man, aking mahal
Limutin ka'y 'di magawa, ako ang nasasaktan
[Verse 3]
Ang init at tamis ng 'yong labi
Sa isip, kailan ma'y hindi mapawi
Sumpa mo, kapag iyong binawi
Tuluyang maglalaho ang buhay ko sa pagsuyo
[Outro]
O, pag-ibig sa aking buhay
O, pag-ibig