[Verse 1]
Napapansin ko sa bawat kilos mo
Na ako ay mahal mo
At alam kong 'yan ay tinatago mo
Lihim mo’y bistado ko
[Chorus]
'Di mo ba nadarama, iniibig din kita?
Dahil sa 'yo’y sumigla ang tibok ng puso ko, oh
'Di mo ba nadarama 'pag minamasdan kita?
Ang dibdib ko ay tunay na palaging kakaba-kaba
[Verse 2]
Sa sulyap mo lang ako'y kinikilig
Tanda nang umiibig
'Di mo lang alam ako'y nasasabik
Sa 'yong yakap at halik
[Chorus]
'Di mo ba nadarama, iniibig din kita?
Dahil sa ’yo’y sumigla ang tibok ng puso ko, oh
'Di mo ba nadarama ’pag minamasdan kita?
Ang dibdib ko ay tunay na palaging kakaba-kaba
[Outro]
'Di mo ba nadarama, iniibig din kita?
Dahil sa 'yo'y sumigla ang tibok ng puso ko, oh
’Di mo ba nadarama 'pag minamasdan kita?
Ang dibdib ko ay tunay na palaging kakaba-kaba