[Verse 1]
Kahit pa ano ang sa akin ay gawin
Dahil mahal ka'y handa kong tiisin
Kahit masakta'y 'di ko papansinin
Ang pagluha ko'y huwag mong intindihin
[Verse 2]
Ang pag-ibig daw ay krus na kay bigat
Ang layuan ka'y payo nilang lahat
'Di ko magawa, mahal kitang tapat
"PS: I love you" 'Yan ba'y 'di pa sapat?
[Chorus]
PS: Mahal na mahal kita
PS: I love you, walang iba
Huwag kang mag-alala
'Di ako padadala
Sa sinasabi nila, sinta
[Verse 3]
Kung mangyari mang mayro'n kang mahalin
Na sa tingin mo'y higit pa sa akin
Magpakailanman, puso ko'y tanungin
"PS: I love you, magpahanggang libing"
[Chorus]
PS: Mahal na mahal kita
PS: I love you, walang iba
At huwag kang mag-alala
'Di ako padadala
Sa sinasabi nila, sinta
[Verse 3]
Kung mangyari mang mayro'n kang mahalin
Na sa tingin mo'y higit pa sa akin
Magpakailanman, puso ko'y tanungin
"PS: I love you, magpahanggang libing"
[Outro]
Magpahanggang libing
PS: I love you