[Verse]
Binigla mo ako, mahal, sa hindi totoong bintang
Na may namagitan na inililihim ko tuwina
Anong pagkukulang ko o pagkakamali sa 'yo
Ba’t naghinala, naniwala sa hindi totoo
[Pre-Chorus]
Hindi ba sapat sa 'yo ang pag-ibig na alay ko
Batid mong mahal kita nang higit pa sa buhay ko
Ba't nilimot mo’ng lahat at humanap ng iba
Pagkakasala'y hindi dapat sa akin
[Chorus]
Mahal, isang pagkakamali, ako'y iwan sa dalamhati
Mahal, isang pagkakamali, maghinala sa hindi totoo
Mahal, isang pagkakamali, ako'y iwan sa dalamhati
Mahal, isang pagkakamali, maghinala sa hindi totoo
[Pre-Chorus]
Hindi ba sapat sa 'yo ang pag-ibig na alay ko
Batid mong mahal kita nang higit pa sa buhay ko
Ba't nilimot mo'ng lahat at humanap ng iba
Pagkakasala'y ’di dapat sa akin
[Chorus]
Mahal, isang pagkakamali, ako’y iwan sa dalamhati
Mahal, isang pagkakamali, maghinala sa 'di totoo
Mahal, isang pagkakamali, ako’y iwan sa dalamhati
Mahal, isang pagkakamali