[Verse 1]
Saka na natin itanong sa Diyos
Kung kasalanan ang lahat ng ito
Saka na natin itanong sa Diyos
Kung ikaw at ako ay dapat na magdusa
[Verse 2]
Ang nalalaman ko'y mahal kita
Kahit anong sabihin pa nila
Tanging ang Diyos ang makahahadlang
Kung tayong dalawa'y dapat na magkawalay
[Chorus]
Ang lahat kong narining ay 'di ko alintana
Ang mata ko ay bulag 'pag ikaw ang kasama
Ang puso ko ay manhid sa ibang nag-aalay
'Pagkat ikaw ang tangi kong mahal
Walang iba, tanging ikaw
[Verse 3]
Marahil ay Kanyang maunawaan
Ang dalawang pusong nagmamahalan
Tanging Siya, at tanging Siya lamang
Ang makahahadlang sa ating pagmamahalan
[Chorus]
Ang lahat kong narining ay 'di ko alintana
Ang mata ko ay bulag 'pag ikaw ang kasama
Ang puso ko ay manhid sa ibang nag-aalay
'Pagkat ikaw ang tangi kong mahal
Walang iba, tanging ikaw
[Verse 3]
Marahil ay Kanyang maunawaan
Ang dalawang pusong nagmamahalan
Tanging Siya, at tanging Siya lamang
Ang makahahadlang sa ating pagmamahalan
[Outro]
Saka na natin
Saka na natin itanong sa Diyos