[Verse]
Ito kaya'y biro sa atin ng kapalaran
Magmahalan nang tunay sa isa't-isa
Kahit ako'y mayroon ng pananagutan
Mahal ko, 'di dapat masaktan
[Pre-Chorus]
Kayong dalawa'y kapwa tapat sa 'king pag-ibig
Bawat isa'y ligaya ang mga hatid
Bakit kaya nangyari pang tayo'y magkita?
Magtaksil ako sa dalawa
[Chorus]
Minamahal kita, minamahal ko siya
At ayaw kong saktan isa man sa inyo, sinta
Ako'y nalilito, bakit puso'y ganito?
Dalawang iniibig na totoo
[Pre-Chorus]
Kayong dal'wa'y kapwa tapat sa 'king pag-ibig
Bawat isa'y ligaya ang mga hatid
Bakit kaya nangyari pang tayo'y magkita?
Magtaksil ako sa dalawa
[Chorus]
Minamahal kita, minamahal ko siya
At ayaw kong saktan isa man sa inyo, sinta
Ako'y nalilito, bakit puso'y ganito?
Dalawang iniibig na totoo
Minamahal kita, minamahal ko siya
At ayaw kong saktan isa man sa inyo, sinta
Ako'y nalilito, bakit puso'y ganito?