[Verse 1]
Ikaw ay nag-iisa
Malalim ang kurba ng iyong mga mata
Nilimot ang bigkas ng pag-asa
At ang iyong himbing ay sadyang pinuksa
[Pre-Chorus]
Sinta, kapit pa
At ika'y higit pa sa
Sinasabi ng mundo
At ika'y aahon
[Chorus]
Dahil bukas ay may araw
May dalang init ang kanyang sinag
At iyong mahahanap
Ang silong sa kanyang yakap
At ika'y humimbing
Humimbing
At ika'y humimbing
Humimbing
[Verse 2]
Anim na talampakan ang hinukay mo
Sinarado mo para sa sarili
At do'n namamalagi ang iyong ganda na pilit itinatago
[Pre-Chorus]
Oh sinta
Lumaban ka at ika'y makakaraos
Buksan mga mata at tignan ang salamin
[Chorus]
Dahil bukas ay may araw
May dalang init ang kanyang sinag
At iyong mahahanap
Ang silong sa kanyang yakap
[Outro]
Dahil bukas may ginhawa
May dalang kapayapaan ang kanyang himig at sa wakas ay mahahanap ang sarili na nawawala
At ika'y humimbing
Humimbing
At ika'y humimmbing
Humimbing