[Verse 1]
Atin ang gabi, tayo lamang, walang iba
Atin ang gabi, sa 'tin lamang dalawa
Walang itatago, walang ikukubli
Awaya'y isantabi at wala kang masasabi
[Verse 2]
Ngayon ko ilalabas ang bugso nitong damdamin
Lahat ng sinabi, ngayon ko gagawin
Aking susundin anuman ang iyong gusto
Hindi ka magsisisi, ngayong atin ang gabi
[Chorus]
Habang ito'y pinipigil, lalo pang nanggigigil
Pag-ibig at damdamin ko sa 'yo'y
Higit pa sa buhay ko
Giliw, tayo na, huwag nang pakipot pa
Halika na
[Interlude]
Oh, atin ang gabi
You and me, atin ang gabi
Tayo lamang dalawa ang laging magkasama
Mula no'ng bata hanggang sa tumanda
Atin ang gabi, ah
[Chorus]
Habang ito'y pinipigil, lalo pang nanggigigil
Pag-ibig at damdamin ko sa 'yo'y
Higit pa sa buhay ko
Giliw, tayo na, huwag nang pakipot pa
Halika na
[Verse 1]
Atin ang gabi, tayo lamang, walang iba
Atin ang gabi, sa 'tin lamang dalawa
Walang itatago, walang ikukubli
Awaya'y isantabi at wala kang masasabi
[Outro]
'Di ka magsisisi, ngayong atin ang gabi
'Di na ito fantasy, giliw, atin ang gabi