[Verse 1]
Tawag sa atin ay mga Pilipino
Isang lahing kinikilala ng mundo
Nasa atin ang tawag na Bayanihan
'Yan ay lumalabas kung kinakailangan
[Verse 2]
Tunay, marami tayong mga salita
Tagalog, Ilokano, Bikol, at Bisaya
Pangalatok, Ibanag, at Waray-Waray
Wikang Cordillera, tayo ay palagay
Ilonggo, Maranaw, Pampango't iba pa
[Verse 3]
Mahalin natin ang mga wika
Tayong lahat ay mga magkakapatid
At iyan kailanman ay hindi mapapatid
At iyan kailanman ay hindi mapapatid
[Verse 4]
Mayro'n mang mga ilang pagkakaiba
Ngunit nagkaisa sa puso at diwa
Tayo ay uunlad kung magkakaisa
'Yan ay magdudulot sa atin ng saya
[Verse 5]
Mga pangarap natin ay matutupad
Sama-sama tayo tungo sa pag-unlad
Sama-sama tayo tungo sa pag-unlad