[Verse 1]
Tapos na, mahal ko
Hininto ko na'ng hakbang patungo sa 'yo
Biglang napagtanto ko na
May pinatunguhan ang panalangin ko
Kasi hinawakan mo ang kamay ko
Pawang kabulaanan no'ng
[Pre-Chorus]
Pinaniwalaan kong kalawakan ang ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma, sa akin natapat
[Chorus]
Hininto ko na ang baka sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
'Di ako makapaniwalang "Oo" ang iyong desisyon
Mali ang inakala kong kuwento
Na ika'y hanggang imahinasyon
[Verse 2]
Bago pa maipinta ang tayo
Ika'y isang dilag na humahabol sa pangarap
Kaya minarapat kong bilisan din ang takbo
Gusto kong masabayan ka sa mithiin mo
Mga panghuhusga nila'y 'di hahayaang ibato
Ako raw ay isang 'di hamak na panakip-butas mo, oh-ooh
Kaya
[Pre-Chorus]
Pinag-uugnay ko ang kalawakan na ating agwat
Pagbukas ng puso mo'y tumugma, sa akin natapat
[Chorus]
Hininto ko na ang baka sakaling
Nalagpasan ako ng tadhana
'Di ako makapaniwalang "Oo" ang iyong desisyon
Mali ang inakala kong kuwento, yeah yeah
Na ika'y hanggang imahinasyon
[Bridge]
Nagniningning ang mga mata ko
No'ng binigkas mo ang "Mahal ko"
Teka, may karugtong pala
Tumingin ka sa sahig at binanggit
"Mahal ko pa rin siya, sinubukan ko naman ang mahalin ka,"
Pinilit lamang ang eksenang tayo, ang iksi ng tayo
Kasi tama pala ang
[Chorus]
Kuwento na ika'y hanggang imahinasyon
Mali ang inakala kong "Oo" ang iyong desisyon
'Di ako makapaniwalang
Nalagpasan ako ng tadhana (Tadhana)
Hihinto na lang ako, sinta (Sinta, sinta, sinta)
[Outro]
Pawang kabulaanan no'ng hinawakan mo ang kamay ko
May pinatunguhan ang panalangin ko
Kasi biglang napagtanto ko
Na hihinto ko na'ng hakbang patungo sa 'yo
Mahal ko, tapos na