[Verse 1]
Buti ka pa pala hindi mo namalayan
Sinuka nang bigla lahat ay 'yong sinayang
Hindi na ba masasagip
Ang mga sandali nating nalalabi
Kumukurap, hindi na sumisilip
Ang dating makina ng himala sa langit
Sinuko na ba sa awit
[Pre-Chorus]
Ang mga kahapon kong kasama ang ngiting bumubuhay
Nalunod na sa isang hiling
[Chorus]
Sana ang aking mundo
Ay kaya mong balutin pang muli
Sa yakap mo
Pa'no kung may sobreng hatid
Ang bawat ingay ko
At ang laman ay puso ko
Pupunitin mo kaya
[Verse 2]
Sa ibabaw ng papel maraming pinipilit
Malalim man ang mga bugtong
Mga mata'y nakapikit
'Pagkat ang panibagong tayo ang kapalit
Wala ka man, ako'y mananatili
'Di mauubos ang dahilan
Pintuan ma'y nasasabik
Na kalimutan mo ating pagkakamali
[Pre-Chorus]
Ang mga pangarap ala-ala na ngayon
Umaasa, naubos na'ng barya sa balon
[Chorus]
Sana ang aking mundo
Ay kaya mong balutin pang muli
Sa yakap mo
Pa'no kung may sobreng hatid
Ang bawat ingay ko
At ang laman ay puso ko
Pupunitin mo kaya
Pupunitin mo kaya
[Bridge]
Tapos na 'kong maniwala sa multo
Tapos na
Ang sabi ko
Tapos na 'kong maniwala sa multo
Pero ang boses mong bumabalik
Ang siyang patunay na totoo
[Chorus]
Sana ang aking mundo
Ay kaya mong balutin pang muli
Sa yakap mo
Pa'no kung may sobreng hatid
Ang bawat ingay ko
At ang laman ay puso ko
Pupunitin mo kaya
Pupunitin mo kaya