[Verse 1]
Mula nang mawalay ka na
Damdamin kong ito sa'yo, 'di na mapalagay
Tinatanong nitong aking puso
Bakit biglang nagbago ka, ako ba'y nagkulang sa iyo?
[Refrain]
Sayang lang ang pagmamahal na inalay ko sa'yo
Bakit ikaw ngayon ay biglang naglaho?
[Chorus]
Bakit kung sino pa ang s'yang marunong magmahal
Ay s'yang madalas maiwan nang 'di alam ang dahilan?

[Interlude]
Ooh, ooh-ooh
[Verse 2]
Naaalala ko ang nagdaan
Kahapong lumipas na, 'di na malilimutan
Tayong dalawa noo'y nagsumpaan
Na sadyang ikaw lang at ako ang s'yang magmamahalan
[Refrain]
Sayang lang ang pagmamahal na inalay ko sa'yo
Bakit ikaw ngayon ay biglang naglaho?
[Chorus]
Bakit kung sino pa ang s'yang marunong magmahal
Ay s'yang madalas maiwan nang 'di alam ang dahilan?
Bakit kung sino pa ang s'yang marunong magmahal
Ay s'yang madalas maiwan nang 'di alam ang dahilan?
[Refrain]
Sayang lang ang pagmamahal na inalay ko sa'yo
Bakit ikaw ngayon ay biglang naglaho?
[Interlude]
Ooh, ooh-ooh
Oh, oh
[Chorus]
Bakit kung sino pa ang s'yang marunong magmahal
Ay s'yang madalas maiwan nang 'di alam ang dahilan?
Bakit kung sino pa ang s'yang marunong magmahal
Ay s'yang madalas maiwan nang 'di alam ang dahilan?
[Outro]
Bakit kung sino pa