[Verse 1]
Malayo man ang agwat
'Di ko man mayakap
Ikaw lang ang siyang hinahanap
'Di na kailangan pang magpanggap
[Verse 2]
'Di man sigurado
Kung kailan ba magtatagpo
Sa 'yo ako ay nangangako
Maghihintay para lamang sa 'yo
[Chorus]
Oh, 'wag kang mabahala
Dahil kahit wala ka sa piling ko
'Di magsasawa
Nag-iisa ka lang sa pusong ito
Distansiya'y 'di hadlang sa pag-ibig ko
Na laging sa 'yo
Laging sa 'yo
[Verse 3]
Mananatiling malalim
Ang pagtingin at damdamin
Habang-buhay ka sa akin
Sa dulo ng lahat, tayo pa rin
[Chorus]
Oh, 'wag kang mabahala
Dahil kahit wala ka sa piling ko
'Di magsasawa
Nag-iisa ka lang sa pusong ito
Distansiya'y 'di hadlang sa pag-ibig ko
Oh, 'wag kang luluha
'Di man kasama sa piling ko
'Di magsasawa
Baka bukas ay nandiyan na ako
Sa pagtulog, magkasama tayo
Nag-iisa ka lang sa pusong ito
Distansiya'y 'di hadlang sa pag-ibig ko
Na laging sa 'yo
Laging sa 'yo