[Verse 1]
Pabigla-bigla
Agad nahagilap
Sa 'yong mga mata
Ang tanging hinahanap
Mukhang ikaw na nga
Ang itinalagang makasama, ah-ha, ahh-ahh-ahh-ahh
[Pre-Chorus]
Oh, damang-dama na ang pagsinta
Tadhana ba'ng may pakana?
'Di ko alintana
Sa iyo lang ako tumutugma, ah, ah-ah-ah, oh-oh-oh
[Chorus]
Ibigin mo 'kong dahan-dahan, dahan-dahan
Tayong matuto, sasamahan sa hintayan
Ako'y sa'yo't sa akin ka
'Wag mabahala
'Lika't sumandig ka
[Verse 2]
Noon ako'y kabado
Ngayo'y walang takot
Nakakapanibago
Hiwaga ang dulot ng 'yong bawat galaw
Siguro nga ikaw na
Ang kaisa-isang para sa 'kin
[Chorus]
Ibigin mo 'kong dahan-dahan, dahan-dahan
Tayong matuto, sasamahan sa hintayan
Ako'y sa'yo't sa akin ka
'Wag mabahala
'Lika't sumandig ka
[Bridge]
Damang-dama
'Tinalagang para sa'kin ka
Damang-dama
'Tinalagang para sa'kin ka
Damang-dama
'Tinalagang para sa'kin ka
[Outro]
'Wag mabahala
'Lika't sumandig ka