[Intro]
Paano ba ang kalimutan ka?
[Verse 1]
Nakangiti ka na naman
Ngunit hindi na ako ang dahilan
Ang ating dati, agad mong nalimutan
Naiwan akong mag-isa sa nakaraan
Alam kong hindi na mababalikan
Ngunit nananatiling ikaw ang dahilan
Ng saya sa likod ng mga ngiti at pagtawa
Na hindi na makikita ngayong wala ka na
[Pre-Chorus]
Dami-daming katanungan
Sagutin mo naman
[Chorus]
Pa’no ba ang kalimutan ka?
Bakit parang kay dali mong nagawa sa akin?
Paano ba ang kalimutan ka?
Gusto ko na ring sumaya
[Verse 2]
Paanong hindi masasaktan
Kung sa bawat pagpikit ikaw pa rin ang nasisilayan?
Sana 'di mo na lang ako iniwan
Binigla mo pa 'di man lang dinahan-dahan
[Chorus]
Paano ba ang kalimutan ka?
Bakit parang kay dali mong nagawa sa akin?
Paano ba ang kalimutan ka?
Gusto ko na ring sumaya
[Instrumental]
[Bridge]
Tulungan mo naman ako
Turuan mo naman ako
Tulungan mo naman ako
[Chorus]
Paano ba ang kalimutan ka?
Bakit parang kay dali mong nagawa sa akin?
Paano ba ang kalimutan ka?
Gusto ko na ring sumaya
[Outro]
Pero, pero
Tama ba ang kalimutan ka?
Bakit ba kay hirap magawa sa'yo, oh?
Paano kung makalimutan nga kita?
Kakayanin ko na rin kayang sumaya?