[Verse 1]
Kupas na larawang naiwan mo
Laging kaulayaw ng puso ko
Habang minamasda'y nagbabalik
Lumipas na pag-ibig
[Verse 2]
Pagmamahalan na kay timyas
Pilit na binabakas
Kupas na larawan tuwing mamasdan
Ang puso ko'y lalong nagdaramdam
[Verse 3]
Pangakong pag-ibig nahan ngayon
Ba't 'di ka tumutugon
[Verse 4]
'Di mo batid ang dusang taglay
Buhat ng iyong iniwan
[Verse 5]
Ang nalalabi pang kaunting kulay
Tuloy ang pagkupas bawat araw
Sakaling mapawi nang lubusan
Puso ko'y mamamatay
[Outro]
Puso ko'y mamamatay