[Verse 1]
Mayrong binatang sa 'ki'y lumigaw
Sa kisig niya, ako ay nasilaw
Sa aming bahay, kung siya'y dumalaw
Iba't iba ang terno araw-araw
[Verse 2]
Nang malaunan ang aking puso
Sa panambitan niya'y isinuko
At sa tamis ng kanyang pangako
Tila ako'y 'di na masisiphayo
[Bridge]
May anim na buwan na ngayon ang lumipas
Ni anino ng nobyo ko'y 'di mamalas
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa irog ko
'Wag namang itulot na siya ay maglilo
[Verse 3]
Ngunit ng minsan kami'y nagkita
Ang kisig niya't ganda'y nawala na
Ibinalita ng aking irog
Pinapasukang laundry ay nasunog
[Instrumental Break]
[Bridge]
May anim na buwan na ngayon ang lumipas
Ni anino ng nobyo ko'y 'di mamalas
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa irog ko
'Wag namang itulot na siya ay maglilo
[Verse 3]
Ngunit ng minsan kami'y nagkita
Ang kisig niya't ganda'y nawala na
Ibinalita ng aking irog
Pinapasukang laundry ay nasunog