[Verse 1]
Huwag mong sayangin
Ang mga luha
Kung siya ngayo'y
Lumayo at biglang nawala
Bagong pag-ibig
Bagong pag-asa
Naghihintay
Dapat ay limutin na
[Chorus]
Mayron pang ligayang darating
Dapat ay 'yong hintayin
Kung ikaw man ay bigo ngayon
Huwag mong damdamin
Narito akong nagmamahal
Bakit 'di mo pansinin
Nang malaman mong sa piling ko
Ay may langit din
[Verse 2]
Huwag mong buhayin
Ang alaala
Ng nagdaang
Mapait na pagsinta
Ang nakalipas
Ay nawala na
Huwag asahang
Ito ay babalik pa
[Chorus]
Narito akong nagmamahal
Ng tapat sa 'yo, sinta
Kabiguan mo'y limutin na
Nang lumigaya ka
Sa lamig at lungkot ng gabi
'Di ka na mag-iisa
Sa yakap at init ng halik
Ay liligaya ka