[Verse 1]
Nagtampo ang aking hirang
Nang ako'y dagling lumisan
Ngunit hindi niya nalalaman
Ang tanging dahilan
[Verse 2]
Nasubukan ko nang minsan
May iba siyang kasintahan
Sa tamis ng pagmamahalan
Ako'y nalimutan
[Bridge]
Ang sumpa ko
Sana'y panaligan mo
'Pagkat ito'y
Pangako ng puso ko
[Verse 3]
Kahit na ika'y maglilo
Sa sumpaan ay magbago
Ay asahan mong hindi pa rin
Magtataksil sa 'yo
[Instrumental Break]
[Bridge]
Ang sumpa ko
Sana'y panaligan mo
'Pagkat ito'y
Pangako ng puso ko
[Verse 3]
Kahit na ika'y maglilo
Sa sumpaan ay magbago
Ay asahan mong hindi pa rin
Magtataksil sa 'yo