[Verse 1]
Noong ako'y bago pa lang sa pag-awit
Tila walang lumalabas sa 'king tinig
Walang sigla, halos walang nakikinig
Sa bawat himig na aking inaawit
[Verse 2]
Ngunit habang awitin ko'y tumatagal
Ay walang sa pusong sa 'ki'y dumaraan
Paghanga't palakpak na aking tinatanggap
Sukli sa lahat ng aking paghihirap
[Chorus]
Maraming salamat sa inyo
Maraming salamat sa inyo
Kung 'di kayo, ako'y wala rito
Ang tagumpay ay 'di akin kung 'di inyo
[Post-Chorus]
O, maraming salamat
Sa inyong lahat
O, maraming salamat
Sa inyong lahat
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Awitin ko ngayon natatanggap na ng madla
Sana'y manatiling buhay sa inyong gunita
At kung sakaling ako'y bigla nang mawala
'Di lang ang tagumpay, awit ko ri'y sa inyo na
[Chorus]
Maraming salamat sa inyo
Maraming salamat sa inyo
Kung 'di kayo, ako'y wala rito
Ang tagumpay ay 'di akin kung 'di inyo
[Post-Chorus]
O, maraming salamat
Sa inyong lahat
O, maraming salamat
Sa inyong lahat
O, maraming salamat
Sa inyong lahat
O, maraming salamat
Sa inyong lahat
O, maraming salamat
Sa inyong lahat
[Outro]
O, maraming salamat
Sa inyong lahat