[Verse 1: Rhodora Silva & Darius Razon]
Sa bawat sandali, tayo ay magkapiling
Ang bawat lunggati pakinggan ang hiling
Ang puso ko't budhi ay hindi sinungaling
Sana ay ulinigin damdamin ko, giliw
[Verse 2: Rhodora Silva & Darius Razon]
Asahang pangarap nitong buhay
Lahat ng araw, kita'y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw, kita'y mamahalin
[Verse 3: Rhodora Silva, Darius Razon, & Rhodora Silva & Darius Razon]
Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Dulutang magtapat sa 'yo, hirang
Lahat ng araw, kita'y mamahalin
[Outro: Rhodora Silva & Darius Razon]
Lahat ng araw, kita'y mamahalin