[Verse 1]
Sa aming muling pagkikita
Sabik na ako'y umasa
Ang pagsuyo mo sa akin, sinta
Lubusan kong madarama
[Verse 2]
Sa aming muling pagkikita
Pangarap ko ay ligaya
Ang pusong sabik sa iyong paglingap
Sa tuwina ay hinahanap
[Bridge]
Ngunit naglaho ang pag-asa
Puso'y sinawi mo, sinta
Luha ang naging kaulayaw
Ng puso kong nagmamahal
[Verse 3]
Sa aming muling pagkikita
Ligaya'y aking nadama
Ngayo'y nagbalik ang 'yong pagsinta
Na tangi kong pag-asa
[Bridge]
Ngunit naglaho ang pag-asa
Puso'y sinawi mo, sinta
Luha ang naging kaulayaw
Ng puso kong nagmamahal
[Verse 3]
Sa aming muling pagkikita
Ligaya'y aking nadama
Ngayo'y nagbalik ang 'yong pagsinta
Na tangi kong pag-asa
[Outro]
Na tangi kong pag-asa