[Verse 1]
Mahal, saan ka nanggaling kagabi?
Mahal, magdamag akong naghihintay
Mata ko'y 'di mapikit, diwa ko'y 'di maidlip
Dibdib ko ay may kaba, nasaan ka?
[Verse 2]
Mahal, saan ka naroon kagabi?
'Di kaya ika'y may ibang katabi?
'Di kaya ikaw ay iba ang kayakap?
Magkadikit ang dibdib, magkalapat ang labi
[Chorus]
O, kay sakit, sabihin mong hindi totoo
Upang maibsan ang kaba sa 'king puso
Sa buong magdamag, ako'y nag-aalala
Baka ikaw ay napahamak na, sinta
[Pre-Chorus]
'Di kaya ikaw ay iba ang kayakap?
Magkadikit ang dibdib, magkalapat ang labi
[Chorus]
O, kay sakit, sabihin mong hindi totoo
Upang maibsan ang kaba sa 'king puso
Sa buong magdamag, ako'y nag-aalala
Baka ikaw ay napahamak na, sinta
[Outro]
Mahal, saan ka nanggaling kagabi?
Saan ka naroon kagabi?
Saan?