[Verse 1]
Ako'y sadyang nananalig sa matapat na pag-ibig
Kapag ito ay nasambit, ligaya ko'y hanggang langit
Pag-ibig ko'y isa lamang habang ako'y nabubuhay
Ang nais ko sa sumpaan ay madala hanggang hukay
[Verse 2]
'Pag ako'y umibig, magpahanggang-langit
Kung siya ang magtaksil, ako'y handang magtiis
Ang matapat sa suyuan, sinasambang walang hanggan
Ang pagsintang salawahan, parang bulang napaparam
[Instrumental Break]
[Verse 2]
'Pag ako'y umibig, magpahanggang-langit
Kung siya ang magtaksil, ako'y handang magtiis
Ang matapat sa suyuan, sinasambang walang hanggan
Ang pagsintang salawahan, parang bulang napaparam