[Verse 1]
Huwag kang mamangka sa dalawang ilog
'Pagkat 'yan ay bawal sa pag-irog
Alalahanin mong may pusong malulunod
Kapag namangka sa dalawang ilog
[Verse 2]
Kung tunay ang pag-ibig mo sa akin
Maging tapat ka sa akin, o, giliw
Huwag mong gawing mamangka sa dalawang ilog
Bangka mo'y tataob, puso'y malulunod
[Chorus]
Inibig kita nang higit sa aking buhay
Bakit nagawa mo pa, giliw, ako'y pagtaksilan?
'Di ba pangako mong ako lamang ang iyong iibigin?
Bakit ngayon ay natiis mong puso'y manimdim?
[Verse 3]
Kung tunay ang pag-ibig mo sa akin
Isakay mo ako sa bangka ng paggiliw
Tayo'y mamangka sa isang ilog lamang
Tuloy-tuloy sa dagat ng kaligayahan
[Verse 4]
At nais ko sa ating pagmamahalan
Kasing linis ng tubig sa batisan
Huwag mong gawing mamangka sa dalawang ilog
'Pagkat masasawi, puso'y malulunod
[Chorus]
Inibig kita nang higit sa aking buhay
Bakit nagawa mo pa, giliw, ako'y pagtaksilan?
'Di ba pangako mong ako lamang ang iyong iibigin?
Bakit ngayon ay natiis mong puso'y manimdim?
[Verse 4]
At nais ko sa ating pagmamahalan
Kasing linis ng tubig sa batisan
Huwag mong gawing mamangka sa dalawang ilog
'Pagkat masasawi, puso'y malulunod
[Outro]
Huwag kang mamangka, irog