[Verse 1]
Umuulan sa buhay ko
Magbuhat nang iwanan mo
Patak ng luha’y 'di mo makita
Kumukulog, bumabagyo
Gulong-gulo ang isip ko
At kung gabi’y naaalala ka
[Chorus]
Magbuhat nang sabihin mo
Na ma’y mahal ka ng iba
Paano na ngayon kung wala ka
Magbalik ka sa piling ko
Nang magliwanag ang dilim
Pigilin ang ulan sa buhay ko
[Instrumental Break]
[Verse 2]
Naaalala mo pa ba
Nang tayo’y unang magkita
Umuulan ng tayo’y magkilala
Ulan din ang siyang dahilan
At siyang saksi sa sumpaan
Kaya tayo’y agad nagmahalan
[Chorus]
Magbuhat nang sabihin mo
Na ma’y mahal ka ng iba
Paano na ngayon kung wala ka
Umuulan sa buhay ko
Ngunit 'di mo makikita
Ang mga luha sa aking mata