[Refrain]
Ikaw ang aking tanging yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha Mong kariktan
Sulyap ng Iyong kagandahan
[Verse 1]
Ika'y hanap sa tuwina
Nitong pusong Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa Iyo, sinta
[Refrain]
Ikaw ang aking tanging yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha Mong kariktan
Sulyap ng Iyong kagandahan
[Verse 2]
Ika'y hanap sa tuwina
Sa kapwa ko na laging nadarama
Sa Iyong mga likha
Hangad pa ring masdan ang Iyong mukha
[Refrain]
Ikaw ang aking tanging yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha Mong kariktan
Sulyap ng Iyong kagandahan
Sulyap ng Iyong kagandahan