[Verse 1]
Sabi nila
Ako'y walang karapatan
Sa pag-ibig
'Pagkat ako'y
'Di malaya
'Di na dapat pang umibig
[Verse 2]
At hindi raw
Maaaring suyuin ka
Kahit saglit
Walang laya
Sa pagsinta
Kahit sa panaginip
[Pre-Chorus]
At kung isang kasalanan
Ang mahalin ikaw, sinta
IIbigin pa rin kita
Kahit ako ay magdusa
[Chorus]
Bakit kaya
Kung sino pa ang iyong mahal
Ay siya namang
'Di mo makamtan
'Di maaaring lasapin
Ang bawal na pagmamahal
[Pre-Chorus]
At kung isang kasalanan
Ang mahalin ikaw, sinta
IIbigin pa rin kita
Kahit ako ay magdusa
[Chorus]
Bakit kaya
Kung sino pa ang iyong mahal
Ay siya namang
'Di mo makamtan
'Di maaaring lasapin
Ang bawal na pagmamahal