[Verse 1]
Sa 'king paglayo
Babaunin ko
Ang iyong pangakong
'Di magbabago
Ang pag-ibig ko
Ay ingatan mo
'Pagkat 'yan na lamang
Ang alaala ko
[Verse 2]
Sa 'king paglayo
Iiwanan ko
Ang sumpang ikaw lang
Ang iibigin ko
At ang puso ko
Ngayo'y hawak mo
'Pag iyong winasak
Magdaramdam ako
[Verse 3]
Kung lalapit ang tukso
At aakit sa 'yo
Magagawa mo bang iwasan
Kung malamig ang gabi
Baka hanapin mo
Apoy na papaso sa 'yo
[Verse 4]
Sa 'ting sumpaan
Kung lilimot ka
Lagi mong isiping
Mahal pa rin kita
'Di magbabago
Ang pag-ibig ko
Ikaw lang ang tanging
Mahal sa puso ko