[Verse 1]
Wala na yatang nalalabing pag-asa
Ang aking pusong napasadlak sa dusa
Pusong may laya't sagana sa ligaya
Ngayo'y may sugat at lumuluha pa
[Verse 2]
Ang aking langit na dati'y aliwalas
Ngayo'y malasi't makulimlim sa ulap
Masdan ang pusong iyong binihag
Ngayo'y ulila't laging umiiyak
[Verse 3]
Pag-ibig, ikaw nga ang may sala
Sa aking labis na pagdurusa
Puso kong tinuruan sa pagsinta
Bakit mo iniwang may dusa?
[Verse 4]
Pag-ibig, irog ko ay hanapin
Sabihing magbalik na sa akin
Asahang puso ko'y tuluyang mababaliw
Kung hindi makakapiling ang dating giliw
[Outro]
Asahang puso ko'y tuluyang mababaliw
Kung hindi makakapiling ang dating giliw