[Verse 1]
'Di kailangang malaman kung bakit may lumbay
Kung bakit langit ay bughaw
'Di kailangang maunawaan ang tanging dahilan
Mahalaga sa 'ki'y ikaw
[Chorus]
Pag-ibig mo ay akin
Ngiti mo ay akin din
Bawa't araw kay ningning
Ang yakap ko'y ikaw
Bulong mo'y laging mahal
Mawawala ang lumbay
Kay daming mga bagay na 'di ko alam
Basta't tayo'y 'di magwawalay
[Verse 2]
'Di kailangang mangyari ako'y maging isang sikat
Makapiling ka lang sa 'ki'y sapat
Maaaring 'di mamasdan ganda ng kalikasan
Ngunit 'yan ay 'di kailangan
[Chorus]
Pag-ibig mo ay akin
Ngiti mo ay akin din
Bawa't araw kay ningning
Ang yakap ko'y ikaw
Bulong mo'y laging mahal
Mawawala ang lumbay
Kay daming mga bagay 'di ko gagawin
'Yan ay walang halaga sa 'kin, giliw
Kung ika'y laging kapiling