[Verse 1]
Nais ko pa sanang ikaw ay pigilin
Ngunit nangangamba ang aking damdamin
'Pagkat sa puso mo ay tanging siya pa rin
Ang mas higit sa iyong pagtingin
[Verse 2]
Ngunit, ano pa ba ang aking gagawin
Puso ko't kaluluwa'y iyo nang naangkin
Iyan ba ay kulang pa upang iyong ibigin
Kahit pasakit ay aking titiisin
[Chorus]
Ngayo'y lumisan ka, kaya ako'y nag-iisa
Kapiling ko'y luha't pawang pagdurusa
Sa araw at gabi, laging hinahanap kita
Ikaw ay naroon sa piling ng iba
[Verse 3]
Kung narinig mo lang ang aking dalangin
Na ikaw ang mahal magpahanggang libing
Marahil giliw ko, 'di ako lilimutin
'Di mo magagawang sa aki'y magtaksil
[Chorus]
Ngayo'y lumisan ka, kaya ako'y nag-iisa
Kapiling ko'y luha't pawang pagdurusa
Sa araw at gabi, laging hinahanap kita
Ikaw ay naroon sa piling ng iba
Ngayo'y lumisan ka, kaya ako'y nag-iisa
Kapiling ko'y luha't pawang pagdurusa
Sa araw at gabi, laging hinahanap kita
Ikaw ay naroon sa piling ng iba
[Outro]
Ikaw ay naroon sa piling ng iba