[Verse]
Itinakwil man kita
Ngunit ako pa ang siyang nagtiis ng dusa
Habang kita'y aking nililimutang ganap
Lalo akong nagdaranas ng saklap
[Chorus]
Itinakwil man kita, oh, aking mahal
Puso ko ang nagdaramdam
'Pagkat ikaw tuwina ang aking pag-asa
At tanglaw ko habang mayroong hininga
[Outro]
Ikaw rin ang aking ligaya sa buhay
Itinakwil man kitang tunay