[Verse 1]
Nang ika'y umalis, o, aking hirang
Nadama ko'y laging kalungkutan
Hinahanap-hanap kitang palagi
Sa pag-asang muling babalikan
[Verse 2]
At lumipas nga ang maraming araw
Sa pangakong ako ay maghintay
Nang bigla ko na lang nabalitaan
'Di ka na babalik kailan pa man
[Chorus]
Kay sakit ng nangyari sa aking buhay
Buhat ng iyong iniwan
'Di ko sana binayaan
Ang pag-ibig ko'y masayang
Kung maibabalik ko lang
Ang ating nagdaan
Nagsasalo sana tayo ngayon sa ligaya
Ngunit wala ka na
Nabubuhay na lang sa 'yong alaala
[Instrumental Break]
[Chorus]
'Di ko sana binayaan
Ang pag-ibig ko'y masayang
Kung maibabalik ko lang
Ang ating nagdaan
Nagsasalo sana tayo ngayon sa ligaya
Ngunit wala ka na
Mabubuhay na lang sa 'yong alaala