[Intro]
Pag-ibig, masdan ang ginawa mo
Winasak ang abang puso ko
Tulutan, ang samo ko lamang sa 'yo
Bihagin ang binatang ito
[Verse 1]
Ikaw ang aking panaginip
Ikaw ang tibok ng dibdib
Pusong humihibik, dinggi't umaawit
Tinataghoy ang pag-ibig
[Verse 2]
Ikaw ang ligaya sa buhay
Sa piling mo'y walang kamatayan
Puso ko'y nangumpisal sa birheng dalanginan
Na ang pangarap ko'y ikaw
[Outro]
Puso ko'y nangumpisal sa birheng dalanginan
Na ang pangarap ko'y ikaw