[Verse 1]
Ang mga sulyap ko, giliw
Kung iyong madarama
Ay mababatid mong tunay
Na minamahal kita
[Verse 2]
Ngunit 'di pansin man lamang
Ang wagas na pagsinta
Kung kaya sa pag-ibig
Ang puso ko'y nagdurusa
[Bridge]
Ang awit kong ito, kung iyong maririnig
Sa 'yo'y maghahatid ng pag-ibig
'Pagkat sa labi ko ay hindi masambit
Ang wagas na pagsuyong nagbuhat sa aking dibdib
[Verse 3]
Ako'y nangangambang sa iyo'y ipagtapat
Kaya sa pagsulyap, ihahayag
Ang aking pagsinta, kung mayro'ng pag-asa
Sa sulyap man lang, sinta
Sa aki'y ipadama
[Outro]
Sa sulyap man lang, sinta
Sa aki'y ipadama