[Verse 1]
Sadyang alam mo na ako'y minsan nang nagmahal
Nabigo't iniwan, may dungis na ang dangal
Nalalaman mo na 'pag iyong minahal
Pagkamuhi't kutya ang iyong mapapala
[Verse 2]
Ngunit 'di mo pansin ang lahat ng ito
Kahit ako ngayo'y alangan na sa puso mo
Ang tanging alam mo kailangan mo ako
At ang pag-ibig ko ang siyang ligaya mo
[Chorus]
Bulag na pag-ibig ang inalay mo sa akin
'Di ko akalain ako'y iyong mamahalin
Bulag na pagsuyo ipangako sa puso ko
Na hindi magbabago ang bulag na damdamin mo
[Instrumental Break]
[Verse 1]
Sadyang alam mo na ako'y minsan nang nagmahal
Nabigo't iniwan, may dungis na ang dangal
Nalalaman mo na 'pag iyong minahal
Pagkamuhi't kutya ang iyong mapapala
[Chorus]
Bulag na pag-ibig ang inalay mo sa akin
'Di ko akalain ako'y iyong mamahalin
Bulag na pagsuyo, ipangako sa puso ko
Na hindi magbabago ang bulag na damdamin mo
[Outro]
Bulag na pagsuyo, ipangako sa puso ko
Na hindi magbabago ang bulag na pag-ibig mo