[Verse 1]
Oh, Maria, ikaw lamang Maria
Ang mahal hanggang may hininga
Hindi na muling iibig pa
Kahit na iwanan mo, Maria
[Verse 2]
Minsan lang ako kung magmahal
Iya'y tapat ngayo't kailan pa man
Ikaw lang ang pag-uukulan
Ng aking pag-ibig na tunay
[Verse 3]
Ang ganda ni Alma at ni Shasha
Ni Alice ni Sheryl at Vilma
Kahit na si Lilet at si Nora
Sa akin, no pansin lahat sila
[Verse 4]
Si Maria ang tunay kong mahal
Sumpa ko habang nabubuhay
Kahit na bumagyo't umulan
Puso ko'y tanging sa 'yo lamang
[Instrumental Break]
[Verse 5]
O, Maria, Maria ng buhay ko
Ikaw lang ang nasa puso ko
Kahit na magunaw ang mundo
Ikaw pa rin ang iibigin ko
[Verse 6]
Kahit si Manilyn at si Tina
Kahit si Aida, Fe, at Lorna
Sure na sure, 'di nila ako makukuha
'Pagkat ang love ko ay ikaw, Maria
[Verse 7]
O, Maria, o, mahal kong Maria
Love kita believe me oh, Maria
Ikaw lang at wala nang iba
Ang aking iibigin tuwina
[Outro]
O, Maria ikaw lang talaga
Miss kita I love you, o, Maria