[Verse 1: Rhodora Silva]
Ako ay maligaya
Magbuhat nang tayo'y magmahalan
Bituin sa langit
Saksi ng wagas nating sumpaan
Kung aking malasin
Sa wari ko, ika'y naninimdim
Ang iyo bang pagmamahal
Ay akin lang magpahanggang libing?
[Verse 2: Darius Razon]
Ang aking pag-ibig
Giliw ko, iyong ingatan lamang
Sapagkat sa buhay
'Yan ang aking tanging kayamanan
Sa tuwina'y isipin mong
Mahal kita magpakailan pa man
Ang buhay ko't pagmamahal
Iyong-iyo habang nabubuhay
[Chorus: Rhodora Silva & Darius Razon]
Kay sarap pa lang mabuhay
Lalo na't kung may lambingan
Tulad ng mga halaman
Kapag nahipan ng amihan
Ngayon, kailanpaman
Umasa kang hindi mapaparam
Pag-ibig mo't pag-ibig ko
Sadyang pinagtali ng Maykapal
[Instrumental Break]
[Chorus: Rhodora Silva & Darius Razon]
Kay sarap pa lang mabuhay
Lalo na't kung may lambingan
Tulad ng mga halaman
Kapag nahipan ng amihan
Ngayon, kailanpaman
Umasa kang hindi mapaparam
Pag-ibig mo't pag-ibig ko
Sadyang pinagtali ng Maykapal
Kay sarap pa lang mabuhay
Lalo na't kung may lambingan
Tulad ng mga halaman
Kapag nahipan ng amihan
Ngayon, kailanpaman
Umasa kang hindi mapaparam
Pag-ibig mo't pag-ibig ko
Sadyang pinagtali ng Maykapal
Pag-ibig mo't pag-ibig ko
Sadyang pinagtali ng Maykapal