[Verse 1]
Mula nang tayo'y 'di na magkita
Naglaho sa buhay ang pag-asa
Palaging ikaw ang iniisip
Lagi kang alaala maging sa panaginip
[Verse 2]
Pinilit kong ikaw ay limutin
Ikaw rin ang sigaw ng damdamin
At kahit nagbago ka sa akin
Kita'y patatawarin, magbalik ka sa akin
[Chorus]
Buhat nang ikaw ay lumayo
Naranasan ko ang mabigo
Parang ibig ko nang sa mundo'y maglaho
May ligaya pa bang darating
Kung wala ka sa aking piling
Hanggang kailan ba kita hihintayin
[Verse 3]
Parusang idinulot mo sa 'kin
Ay kayang tiisin ng damdamin
At kahit ako'y iyong nilimot
Ikaw pa rin ang una at huling mamahalin
[Chorus]
Buhat nang ikaw ay lumayo
Naranasan ko ang mabigo
Parang ibig ko nang sa mundo'y maglaho
May ligaya pa bang darating
Kung wala ka sa aking piling
Hanggang kailan ba kita hihintayin
[Verse 3]
Parusang idinulot mo sa 'kin
Ay kayang tiisin ng damdamin
At kahit ako'y iyong nilimot
Ikaw pa rin ang una at huling mamahalin
[Verse 4]
Sa puso ko'y
Ikaw lamang
Ang palaging
Mamahalin