[Verse 1]
Lubos mong nalalaman damdamin ko sa 'yo
Hindi ko maitago, kailangan ko’y ikaw
Palaging magkasama, ibig ipadama
Nagbabakasakaling minamahal mo rin ako
[Chorus]
Pag-ibig nga naman, sa bawat tibok
Kay hirap maintindihan
Ibig mong maranasan ngunit umiiwas
Puso ko'y sa 'yo kahit hindi ako mahal
[Verse 2]
Anong magagawa ng pusong ito
Kung sa pagtingin mo’y kaibigan lang ako?
Kay hirap tanggapin, ngunit matitiis
Umaasa't nagdarasal ako'y mamahalin mo rin
[Chorus]
Kay hirap nga naman, sa bawat tibok
Kay hirap maintindihan
Ibig mong maranasan ngunit umiiwas
Puso ko'y sa 'yo kahit hindi ako mahal
Pag-ibig nga naman, sa bawat tibok
Kay hirap maintindihan
Ibig mong maranasan ngunit umiiwas
Puso ko'y sa 'yo kahit hindi ako mahal
[Outro]
(Puso ko'y sa ’yo kahit hindi ako mahal)
Pag-ibig nga naman
(Puso ko’y sa 'yo kahit hindi ako mahal)