[Verse]
Tayong dalawa'y kay sigla
Araw gabi ay kay saya
Kung kapiling ang bawat isa
Ngunit ang lahat nga pala
Ay tunay na naglaho na
'Pagkat pag-ibig mo ngayon ay nag-iba
[Pre-Chorus]
'Di ko alam ang dahilan
Kung bakit ka nagkaganyan
'Pagkat nalimot ang ating sumpaan
Ngunit aking natuklasan
Masakit tanggapin ang lahat
'Pagkat ikaw ay may ibang minamahal
[Chorus]
Kunwari lang pala pag-ibig mo, sinta
Akala ko sa 'yo'y liligaya
Ang 'yong pagmamahal, kunwari lang pala
At 'di tunay ang iyong pagsinta
[Pre-Chorus]
'Di ko alam ang dahilan
Kung bakit ka nagkaganyan
'Pagkat nalimot ang ating sumpaan
Ngunit aking natuklasan
Masakit tanggapin ang lahat
'Pagkat ikaw ay may ibang minamahal
[Chorus]
Kunwari lang pala pag-ibig mo, sinta
Akala ko sa 'yo'y liligaya
Ang 'yong pagmamahal, kunwari lang pala
At 'di tunay ang iyong pagsinta
Kunwari lang pala pag-ibig mo, sinta
Akala ko sa 'yo'y liligaya
Ang 'yong pagmamahal, kunwari lang pala
At 'di tunay ang iyong pagsinta
[Outro]
Ang 'yong pagmamahal, kunwari lang pala
At 'di tunay ang iyong pagsinta