[Intro]
Ang puso ko'y nagdaramdam
Sa nalalapit mong paglisan
Ngunit bago mo ako iwanan
Ang panata ng puso ko ay pakinggan
[Verse 1]
Pagdarasal kita oras-oras, araw-araw
Idadalangin ko ang iyong kaligtasan
At sa paglakad mo ay kapiling mo, hirang
Ang kaluluwa ko't pusong sa 'yo'y nagmamahal lamang
[Verse 2]
Huwag mo sanang limutin ang sumpa mong binitiwan
Na ang puso mo'y akin at 'di maaagaw
Habang ako ay naritong lumuluhang naghihintay
Kita'y ipagdarasal
[Outro]
Habang ako ay naritong lumuluhang naghihintay
Kita'y ipagdarasal