[Verse 1]
Pag-ibig ko sa 'yo’y
Walang katapusan
Iyong paniwalaan
Mundo ma'y magunaw
At muling mabuo
Ang mahal ko'y ikaw
[Verse 2]
Kung lumayo ka man
Kita ay susundan
’Di mo ako maiiwasan
Sa lahat ng oras
Kasama mo ako
Kita'y babantayan
[Verse 3]
Pag-ibig ko'y
Hindi mapaparam
Magalit ka man sa akin
Hindi ako magdaramdam
[Verse 4]
Kung ako'y lumayo
Pagsinta kong wagas
Na sa iyo'y maiiwanan
Sana'y ingatan mo
Iyan ang pag-ibig kong
Walang katapusan
[Verse 3]
Pag-ibig ko'y
Hindi mapaparam
Magalit ka man sa akin
Hindi ako magdaramdam
[Verse 4]
Kung ako'y lumayo
Pagsinta kong wagas
Na sa iyo’y maiiwanan
Sana’y ingatan mo
Iyan ang pag-ibig kong
Walang katapusan