[Verse 1]
Bawat buhay ay may kasaysayan
Tulad ng pinangyarihan nang tayo'y magtanaw
Takot lamang ay 'di mo pakinggan
Ngunit ang katotohanan, kita'y minamahal
[Verse 2]
Buhat ng kita'y masilayan
Buhat ng mapanaginpan
Laging hinahanap at umaasam
Bilin ay damhin yaring pagmamahal
[Chorus]
At magbuhat nang makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Dulot ng sadyang kaligayahan
Na nagbuhat sa iyo, buhay, niyaring buhay
Buhat nang makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Dulot ng sadyang kaligayahan
Na nagbuhat sa iyo, buhay, niyaring buhay