[Verse 1]
Irog ko, mahal kita
Ikaw ang tangi kong ligaya
At ikaw ang pag-asa
Ng buhay kong aba
[Verse 2]
Kung ika'y mawawala
Bigo ang puso kong may luha
Pag-ibig mo, aking sinta
Lunas niyaring dusa
[Bridge]
Wika mo sa akin
Tanging ako ang iibigin
Bakit ngayon ay nagmaliw
Sumpang ako'y mamahalin
[Verse 3]
Ngayong ika'y nawawala
Luksa yaring pusong may luha
Pag-ibig mo, aking sinta
Lunas niyaring dusa
[Bridge]
Wika mo sa akin
Tanging ako ang iibigin
Bakit ngayon ay nagmaliw
Sumpang ako'y mamahalin
[Verse 3]
Ngayong ika'y nawawala
Luksa yaring pusong may luha
Pag-ibig mo, aking sinta
Lunas niyaring dusa