[Verse 1]
Huwag ka nang magdasal sa Antipolo
Upang humiling ng 'sang milagro
Buksan ang TV, magbasa ng dyaryo
Milagrong gusto mo'y mabibili mo
[Verse 2]
Merong sabong naimbento
Pampaputi raw ng balat mo
Pwedeng pampaligo pwedeng panlaba
Pwede ring panlinis ng kaserola
[Verse 3]
'Pag ginutom ka sa paglalaba
Ang sabong ito'y masarap ding i-miryenda
May sabon ka na
Libreng miryenda ka pa
[Verse 4]
Bang bang bang
Bang bang bang
Bang bang bang
Bang bang bang
[Verse 1]
Huwag ka nang magdasal sa Antipolo
Upang humiling ng 'sang milagro
Buksan ang TV, magbasa ng dyaryo
Milagrong gusto mo'y mabibili mo
[Verse 4]
Sandwich spead ba 'yong hinahanap
May bago lalong pinasarap
Pampataba't pampatangkad
Pampabilis din ng iyong lakad
[Verse 5]
Sa sobrang bilis ika'y nadapa
Nasugatan ang 'yong mga hita
Ang mirakol spead na ang bahala
Spread it to your hita nang hindi lumala
[Verse 6]
La la la
La la la
La la la
La la la
[Instrumental Break]
[Verse 7]
Payong kaibigan sa gagamit nito
Huwag magpaloko sa mga produkto
Huwag gayahin itong si Mang Sixto
Nagpauto, nagpauto sa 2-in-1 na lotion at shampoo
[Verse 8]
Resulta
Kumintab ang ulo
Tumubo sa mukha 'yung balahibo
Balahibo ni Mang Sixto
Tumubo sa mukha at hindi sa ulo
Ngayo'y mukha na siyang isang tsonggo
[Verse 9]
Tsonggong kalbo
Tsonggong kalbo
Kalbo kalbo kalbo kalbo kalbo kalbo kalbo
Tsonggong kalbo