[Verse]
Naririto ang ating sayaw
Kumpas ng pandanggong 'di mapaparam
Naririto alay sa iyo
Awit ng pagsuyong bagay sa puso mo
[Chorus]
Irog ko, pakinggan ang pandanggo ng pag-ibig
Kay sigla ng himig at lubhang kaakit-akit
Pandanggo ng pag-ibig ang pangalan
’Pagkat 'yan ang tanging pamagat
Kung diringgin mo ay punong-puno ng pagsintang 'di na magwawakas
Ito ang himig na likas mula sa ating bayan
Sayaw na ang bawat hakbang ay may pagmamahal
Halina giliw, limutin ang hilahil
Pandanggo ng pag-ibig ay isayaw natin
[Verse]
Naririto ang ating sayaw
Kumpas ng pandanggong ’di mapaparam
Naririto alay sa iyo
Awit ng pagsuyong bagay sa puso mo
[Chorus]
Irog ko, pakinggan ang pandanggo ng pag-ibig
Kay sigla ng himig at lubhang kaakit-akit
Pandanggo ng pag-ibig ang pangalan
'Pagkat 'yan ang tanging pamagat